Saturday, November 27, 2010

KARE-KARE NG AKING LOLA :)

KARE-KARE! pagkaing patok sa panlasang Pinoy.
          Noong bata ako mayroong isang putahe ang di nawawala sa bawat okasyon sa bahay ng lola ko, kahit na kaarawan ng isa sa aking mga kamganak, pasko, bagong taon o ang simpleng pagkakaroon ng trabaho ng isa sa amin. Noong una ay inayawan ko to dahil sa mga sangkap nito. Sinabi sa akin ng lola ko na gawa ito sa laman loob, kaya noong una ako'y nag-alinlangan kainin ito. Subalit ng makita ko ang mga pinsan ko na sarap na sarap rito, ako'y nainggit at aking tinikman ito. Nang ito'y aking matikman di ko na napigilan ang aking sarili. Ito'y napakasarap at napakalinamnam.
          
          Ang handaan sa bahay ni lola luisa ay hindi kumpleto kung wala ang napakasarap niyang kare-kare! Paborito ito  ng lahat mula sa kanyang mga anak hanggang sa aming mga apo nya  at pati na rin sa mga kaibigan ng aming pamilya. Ang pamosong kare-kare ni lola ay gawa  sa mga natural na sangkap tulad ng giniling na mani at bigas, ito rin ay napakasustansya dahil sa iba't ibang gulay tulad ng puso ng saging, talong, sitaw at pechay at ang malinanamnam na karne lalo na ang buntot at tuwalya. Higit pa itong pinasarap ng aming espesyal na bagoong.
          
           Yan ang kare-kare. Kung ito'y di nyo pa natitikman ako na ang nagsasabi sainyo di kayo isang tunay na Pinoy kung di nyo pa ito natiktikman. Try nyo masarap kaya!

-Sean Tracy G. Ang
1H3

Beef Curry!



Unang tingin ko pa lang sayo, tinakam mo na ako.

Ang Beef Curry ay isa sa mga paborito kong pagkain. Una ko itong natikman sa isang Japanese restaurant at akoý talagang nasarapan. Kahit hindi ako mahilig sa maanghang, naging patok ito sa aking panlasa. Ang putaheng ito ay may mga sangkap na karne, patatas, carrots, sili, bawang sibuyas at curry powder. Ang karne nito ay malambot at malasa. Napakalinamnam naman ng sarsa nito. Sarsa pa lang, ulam na! Pagdating naman sa carrots, mas magiging masarap kung ito ay medyo malutong at hindi masobrahan sa luto. Ang patatas naman ay dapat maging malambot, ngunit hindi malapsa. Napakasarap nito lalo na kung katamtaman lamang ang anghang nito upang hindi matalo ang lasa ng karne. Ang putaheng ito ay may taglay na anghang na nakakagana talaga kumain.  

Maraming rin palang sustansya na puwedeng makuha mula sa Beef Curry, ang ilan sa mga ito ay manganese, calcium, phosphorus, at sulphur compounds na nagmula sa bawang at sibuyas. Fiber na nagmula sa mga sili. Ang carrots naman ay mayaman sa bitamina A at potassium. Ang patatas ay nagtataglay ng iron, zinc, potassium, magnesium, carbohydrates at calories. At ang karne ay nagbibigay protein at carbohydrates.

Ang Beef Curry ay napakasarap, malinamnam at malasa. Nagtataglay pa ito ng maraming mineral na nakakatulong sa ating kalusugan. Kaya subukan niyong magluto ng putaheng ito upang matikman at malaman ninyo ang katotohanan ng aking artikulo.

Rañada, Melissa Abigail B.
1h3

ICE CREAM GALORE




Sabi nga nila kapag stressed ka daw, kumain ka lang daw ng desert okey na.

Kaya masasabi ko ay, ang ice cream ay isang napakagandang antidote sa stress. 

Siya nga pala, ang isang ice cream ay isang frozen dessert. At ito ay gawa sa mga dairy products; at kung minsan pa ay hinahaluan naten ito ng mga chocolates, cookies, prutas at marami pang iba. Maraming pangalan ang ice cream sa buong mundo; tulad na lang ng frozen custard, frozen yogurt, sorbet, gelato at marami pang iba.  

At isa pa, masarap itong kainin lalo na dito sa Pilipinas dahil sa init ng ating panahon.
Maaari din naten itong ihanda sa kung anong okasyong pampamilya, pangbarkada o kung anu pa man. MAdali lang naman itong hanapin, kahit saang tindahan, grocery, supermarket o mga dealer shops merun neto.. Kahit anung flavor at toppings na gusto mo ay meron. At kung hindi naman ay, gumawa ka ng sariling HOME-MADE ICECREAM mo. :). 

Masarap, Affordable at madaling hanapin :)

Yan ang antidote ng lahat ng mga kaemohan sa buong mundo :) kaya kung ako sayo,  kumain ka na lang ng Icecream sa mga oras na stress ka. :) Intiendes? :)